Wednesday, April 9, 2008

HWAG po iTAY!!! * * *

HWAG PO

 ITAY!!!!...

PLEASE  READ THE STORY FIRST

Sometimes you think you know the people that are close to you..but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I  believe it is necessary to highlight the
important lesson  within.

Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin  ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan 
noon
  nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko  pa lamang maligo at nakatapis pa lamang
noon
.  Narinig kong kumakatok  si Itay sa aking pinto.   Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya  na kailangan daw naming mag-usap at humiling na  papasukin siya.  Binuksan ko ang pinto at siya'y  kagyat na pumasok sa  aking
silid.

Laking pagkagulat ko  nang ipinid niya at susian  ang pinto. Hinawakan  ni Itay ang aking mga kamay,   hinaplos-haplos niya  ang aking buhok, ang aking  mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa   aking kilay, sa aking  mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw  ako.


"ITAY, huwag, huwag!  Ako'y inyong anak! Utang na  loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang  aking Itay.  Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko  na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong  makita ang mukha ng aking ama habang  ipinagpapatuloy niya ang kanyang
ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo  ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop  ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!   Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring  nagawa si Inay, hindi rin
siya  pinakinggan ni Itay.  Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag  at ipinaubaya ko na lamang  ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng  aking  Itay.

Pagkalipas ng ilang  oras ay tumigil na rin ang 
aking  Itay.   Iniharap niya ako sa  salamin ay ganoon na lamang  ang  aking pagkamangha at pagkagulat sa aking  nakita. Magaling naman palang mag-make-up si  Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking  ama. Bakla pala siya.  Labis akong nagalak sa

galing at husay ng  aking ama. Naisip ko na  matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong  gumanda ngayon.  Niyakap ko si Itay at pareho  kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na  kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly  yours,


BADONG

No comments: